Wika



Pambansang Wika ng Pilipinas


Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino na dati'y Tagalog. Nagbago ito sa mga panahong lumipas at sa pag dagdag ng ibang letra sa alpabeto.

Meron akong ginawang korido sana'y iyong magustuhan

Ang Mabuting Manlalakbay
Ako'y isang manlalakbay
Na nagngangalng Mabuti
Di alam kung sa'n papunta
Di alam kung sa'n tutungo

Di alm kung sa'n kukuha
Ng pampagaling sa itay
Malubha ang kanyang sakit
'sang bagay lang ang nasa isip

Ang sabi-sabing bulaklak
Bulaklak na pambihira
Kapag ito ay kainin
Ang katawan ay lalakas


Kahit anong karamdaman
Siguradong ka'y gagaling
Ngunit iisa lang ito
To'y nakalagay sa tore



Ngunit tulay ay marupok
Ang drago'y mistulang gwardya
Loob ay puro patibong
To'y imposibleng makamit




Ngunit ako ay susubok
Upang Itay ay gumaling
At ang aking paglalakbay
Na ito ay matapos na


Ako'y papunta sa tore
Ang isang mahabang tulay
Ay sa aki'y tumalambay
Ako'y dumaan sa lubid

Na nasa gilid ng tulay
Ang tagumpay ay nakamit
Dulo ng tulay natapos
Pangalawang tatahakin




Ang dragong katakot takot
Ang apoy na binubuga
Ang abo'y makikita
Taong sumubok kumuha


Bulaklak na pambihira
Ngunit ang bulaklak na'to
Ay sa akin mapupunta
Ang kahit anong pagsubok


Ay aking malalampasan
Ko'y kumuha ng Espada
Inisip ang aking Itay
At lakas tapang hinarap


Ang dragong napakalakas
Ang tagumpay nakamit
At papunta na sa loob
'sang kakaibang babae


Ito ay lumiliwanag
Na para bang ng aakit
Muntik na akong maakit
Ngunit akoy napaisip

Naalala sabi-sabi
Loob ay puro patibong
At dali-daling umalis
Ko'y nakakita ng rosas


Na nakatanim sa lupa
Ay dali-daling kinuha
At umalis ng may ngiti
Sakit ni ta'y Mapapawi


Sana magustuhan nyo ang aking maiksing korido.Alam nyo ba kung ano ang korido ? Ito ay may wawaluhing pantig. Nakuha namin ito sa mga espanyol na nanakop samin noon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento